Friday, June 02, 2006

Kamtin Ang Tagumpay

Sumulong manggagawa, tayo'y pasulong
Hagipin ang pagsikad sa bawat panahon
Tanghalin ang lakas ng pagkakaisa
Kamtin ang tagumpay ng pakikibaka.

Ngayon na ang panahon, huwag nating sayangin
Moog ng mga ganid ay ating buwagin
Malayang bukas ay ating pandayin
Ito ang ating dakilang tungkulin.

Sumulong manggagawa, tayo'y pasulong
Hagipin ang pagsikad sa bawat panahon
Tanghalin ang lakas ng pagkakaisa
Kamtin ang tagumpay ng pakikibaka.

Walang hahadlang sa ating mithi
Bigwas o bagyo o kaaway sa uri
Lagutin ang tanikalang sa ati'y nagbulid
Hanggang sa mapalaya'ng buong daigdig.

No comments: